About Me

My photo
rEv0l g!rL & @ k!zz k!dh@

Sunday, September 21, 2008

@ng dr@m@

“We cannot beg someone to stay when He/She wants to leave and be with someone else.., We have to admit that LOVE doesn’t give us license to own a person.., This is what love means… “SACRIFICE””
Yan ang natutunan ko nung sinubukan kong magmahal ng totoo. Kala ko madali lang, pero di pala. Honestly, dati never akong nagseryoso sa love. Ang sa akin kadi eh enjoy your life. Umabot pa nga sa moment na “2 birds in 1 shot” minsan nga eh 3 o 4 pa silang pinagsasabay ko. Hindi ko kase iniisip kung makakasakit ako ng tao basta ang alam ko eh happy ako sa ginagawa ko. Ang motto ko nga sa life dati eh “Collect and collect then select”.
Hanggang sa may dumating na isang guy, then nasabi ko na lang sa self ko na “sya na nga”. Yung bang kahit ano gagawin ko para magwork lang yung relationship namin. Handa kong baguhin yung lahat-lahat saken, pero di nya hinayaang gawin ko yun. He accept me kung sino ako, kung ano ako at kung anong meron ako. Kaya nga sabi ko eh he was the last na mamahalin ko. Sabi nga nya saken eh ipaglalaban daw naming yung relasyon naming kahit kanino at yun nga ang ginawa namin. Kahit sarili naming mga pamilya kinalaban naming para sa amin relasyon. Kala nga naming eh kami na talaga, pero di pala.
Ganon pala ang feelings no?Ginawa nyo na ang lahat para lang manatiling buo yung relasyon nyo, pero kung di talaga kayo destined sa isa’t isa, wala talagang mangyayari.
After nun dina ulet ako nagseryoso sa love. Balik na naman ako sa dati kong ugali, siguro almost 1 ½ years din yun. Ayaw ko na kasing mafeel ulet yung sakit na nafeel ko dati. Parang isang karamdaman na walang lunas, pero buti na lang eh nakarecover ako. Ang inisip ko na lang eh sayang ang beauty ko..,wehehehe, madami pa naman jang iba.
Pero at this moment of my life, masasabi ko na I already found the right one for me. Hindi man sya yung pinapangarap na lalaki ko, pero kontento na ako sa kanya at masaya na ako sa company nya. Yun nga lang hindi nawawala samin yung away at tampuhan, pero I know naman na it’s a part o a relationship. Sana malampasan pa naming yung mga obstacles na darating sa aming relationship. At wala na akong mahihiling pang iba. Nagpapasalamat pa nga ako kase dumating yung tulad nya, kaya ngayon masasabi ko na, na “I’m complete”.

No comments: